sa pagsikat ng araw, nag-iiba ang aking mukha. minsa'y may eyeshadow at eyeliner na nakapalibot sa aking mga mata. kapag sinipagan, tiyaka na ako maglalagay ng foundation at concealer. minamadali ko pang ituyo ang aking buhok, kapag ito kasi'y natitikwas, pakiramdam ko na hindi ito ang tunay na 'ako.'
pagsapit ng hapon, ang utak ko'y litong-lito. ano nga ba ang tingin sa 'kin ng mga taong ito? kilala lang naman nila ako base kung ano ang nakikita nila sa akin: maitim ang buhok, magandang lagay ng eyeliner, ang mga matang 'di na masisilayan dahil sa mahabang bangs. nakikipagkuwentuhan pa rin ako sa kanila, para lamang may kasiglaan at kasabikan sa buhay kong walang-galaw.
nang bumangon na ang buwan, bumabalik ako sa tunay na 'ako' nais kong itanggi. nagpapakita na ang aking maiitim na bilog sa ilalim ng mga mata kong pagod, nawawalan ako ng paki para bigyang-pansin ang magulo kong buhok, ni hindi ko na nais mamuhay nang masigla. sa mata ng ibang tao, aakalain na ako'y gumagalaw na para bang isang manananggal — sumisipot lamang para pagsamantalahan ang mga taong namumuhay nang tahimik at mapayapa.
kahit mukhang gumagalaw ako gaya ng isang manananggal, wala naman akong kakayahan na mag-iba ng buong katawan kung kailan ko nais. sa paglalagay ng kung ano-ano pang pwede sa aking mukha, iyon pa rin ay tanging akin. hindi rin naman ako kumakain ng bilis ng isang buntis. kinakain ko kung ano kinakain ng tao (tulad ng kare-kare, hindi dugo). binubuo ko ang aking sarili. ang kapangitang nakaloob sa aking sarili ay siyang bumubuo rin sa 'kin. ako ay ako, kahit sirain ako mula balat hanggang buto. tanging paglipas ng panahon lamang ang sagot para matanggap ko ang sarili kong 'ako.'
we've been running from love 🫀
WOAH DAMN WHO IS THE NEW CHARACTER IN HADES 2?!?!
Azakami Youhei (Rinne) got locked in the basement!
(From Starry Stage 4th)
ko-fi doodle request from 2022: dice and gentaro having tea
I dare you to say I'm wrong.
tsum adoption day
«Thank you for giving me a family»
An Yu Shan’s bookstore
personal writing account ☆ 19 | they/them ☆ NOT SPOILER FREE! ☆ Ao3 ☆ Ko-fi ☆ Commission info
323 posts